Yung iba sa atin, kapag sinabing life insurance,
ay natatakot, na para bang tayo na mismo ang nag-iimbita sa ating sariling kamatayan
o di kaya ay malas daw ang pag-kuha ng life insurance.
Pero ang pagkakaron ng ganitong pag-iisip tulad ng nakakarami,
ay walang maidudulot na kabutihan sa atin at sa ating mga mahal.
Yung kanta ni Ronan Keating na “If Tomorrow Never Comes” dapat ay isang paalala sa atin
para maiwasan ang ating mga sariling alinlangan
at di kasiguraduhang di maiiwasan sa mundong ito.
Harapin natin ang katotohonan na lahat tayo ay mamamatay,
di nga lang natin alam kung kailan,
tanging Diyos lang ang may alam.
Hindi natin kasabay na mamatay ang ating mga mahal,
dahil bawat isa sa atin ay may hangganang Diyos lamang ang nakakaalam.
At kapag dumating ang araw na iyon, ano ang iiwan natin sa ating pamilya at mga mahal?
Oo, iiwan natin sila ng ating memorya.
Pero bilang kasama sa ikatlong mundo,
aminin na nating di sapat ang memorya natin upang
tulungan silang mag- move on sa ating pagkawala.
Mas madali ang pagluluksa o ang pag-move on kung wala ka ng ibang iisipin kundi ang magluksa,
nasa iyo ang lahat ng oras para magluksa ng sapat,
hindi ka muna mag-aalala kung anong mangyayari sa hinaharap,
lalo’t kung ang mahal na lumisan ang higit na nagbibigay ng mapagkukunan sa araw-araw na pangangailangan.
Kung talagang mahal mo ang mga maiiwan mo, nanaisin mo ang kaginhawaan ng kanilang buhay,
na tila ikaw ay nandiyan pa rin na sakanilay sumusuporta.
Ang pagkuha ng life insurance ay hindi pagiimbita sa sarili mong kamatayan,
bagkus ay proteksyon at kabutihang sigurado para sa mga maiiwan mong mahal kung sakalaing dumating ang iyong hangganan.

0 comments:
Post a Comment